Paano ko ba sisimulan ang pagsulat, kung marami ng tumatakbo sa isipan, halo-halong mga emosyon ang nararamdaman, mga sana na nais makamtan at maging ang kuryusidad na bumabalot sa isipan. Hindi madaling mabuhay sa mundong ibabaw, hindi lahat ng kagustuhan ay nasusunod agad, walang bagay ang madaling makuha ito'y pinaghihirapa't pinagsisikapan. Minsan ba sumagi sa iyong isipan na tanungin ang sarili, sino ba ako? Anong klaseng buhay nga ba ang naghihintay sa akin? Ano ba ang gusto ko maging ako sa hinaharap?
Hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng pakikipagsapalarang ito, kung anong buhay ba ang naghihintay, kung mapupunta ba tayo sa gusto nating mundo o hahayaan na lang na mahulog sa hindi natin gusto. Sa buhay walang kasiguraduhan, walang sino man ang makakadikta kung anong mayroon ang hinaharap. Sa mundong ito maraming mga bagay ang hindi maipaliwanag, kayraming pagsubok ang pagdadaanan bago maabot ang dulo ng tagumpay.
Ang agos ng buhay ay hindi madaling
labanan, naranasan mo na ba na sumuko sayong sarili nawalan ng kumpyansa't dumating sa punto na paubos kana at naisipang tapusin na lamang, iyong lugmok na lugmok kana at mawalan ng rason para lumaban pa, normal lang daw ang makaramdam ng ganitong kahinaan sa buhay dahil hindi lahat ng oras tayo ay malalakas dahil dito mas lalo tayong sinusubok para lumaban, at nagiging matapang para harapin ang hamon ng buhay.
Ngayon, heto ako't nakikita mo nakikipagsabayan sa agos ng pakikipagsapalaran sa mundong ibabaw at tinatahak ang landas papunta saiyo. Nawa'y ituro mo ang tamang daan, gabayan sa ano man na bagay, at mas pagbutihan pa ang iyong ginagawa. Huwag sana hayaan na lumiko ako ng daan at gawin ang mga bagay na makakasira ng ating kinabukasan. Dahil ikaw lang ang aking pinakaiingatan, ang bagay na aking pinaghihirapa't pinagsisikapan, at ang rason kung bakit akol umalaban, dahil ikaw ang bagay na matagal ko nang hinihintay.
Sana mahintay mo ang oras kung saan ikaw naman ang lalaban sa ating dalawa. Sana yung mga pangarap na binuo ko ay unti-unti mo nang natutupad, magkaroon ng magandang trabaho't mataas na sweldo, makapagpatayo ng malaking bahay para sa pamilya at higit sa lahat naipagmalaki na ang sarili. Sana maging matagumpay ka at nasunod mo ang ating mga kagustuhan sa buhay, sana hindi kana ang mahina't mahiyaang taong nakilala ko, sana marami kang natutunan sa mga naranasan ko at malaki na ang tiwala't naipagtatanggol na ang sarili sa ibang tao.
Ngayon ang tanging hangad ko lang ay maging matatag tayong dalawa, wag papatalo at wag magpapatibag sa ano man na bagay, sabay natin haharapin ang mga pagsubok sa buhay, sabay nating aabutin ang tagumpay na ating hinahangad at masasabi sa sarili na nakaya natin, na worth it lahat ng pago't paghihirap na dinanas natin. Sabay nating makakamit, at mararamdaman ang kaginhawaan ng buhay.
Hindi ko man alam kung anong buhay ang meron ako sayo o sino ako sa hinaharap mo pero ngayun palang ako'y nagpasasalamat na't nagdiriwang dahil kahit ano pa ang mangyari sa hinaharap ko, alam ko't alam ko na ginawa mo kung ano ang ikaliligaya't ikakabuti ko.